Abante Tonite Interactive

Ateneo aasa kay Wong vs Adamson

175

Masusubukan ang tapang ng mga taga-Katipunang Ateneo de Manila University Lady Eagles kontra Adamson University Lady Falcons sabong ng mga ibon sa UAAP season 81 women’s indoor volleyball tournament 1st round elims ngayong Miyekoles sa The Arena, San Juan.

Sisikapin ng Lady Eagles ang winning streak sa lima at patibayin ang pag-upo sa unang puwesto sa team standings ng walong paaralan lang na liga, laban sa katabla sa pang-anim na AdU (1-4).

Tagumpay ang AdMU sa ‘Battle of Katipunan’ kontra University of the Philippines Lady Maroons sa huling salang noong Marso 10, 25-21, 25-15, 28-26.

Humataw sina Maddie Madayag ng 14 points habang may 12 puntos naman si Kat Tolentino sa panalong iyon ng mga Atenista sa Peyups.

Positibo si Oliver Almadro na muli niyang masasandalan ang kanyang setter na si Deanna Wong sa alas-dos ng hapong hambalusan.

“I’m pushing her to be the best setter that she is. Most of the time kasi, players tend to be frustrated because they cannot do what they want to do,” esplika ng Lady Eagles coach.

“But I keep on telling her to be patient—darating ‘yan. Basta keep on pushing yourself and don’t put limits for yourself,” panapos ni Almadro.

Nais namang rumesbak ng mga taga-San Marcelino volleybelle sa pangunguna ni team skipper Eli Soyud mula sa 18-25, 25-17, 14-25, 25-22, 8-15 marathon game loss sa Far Eastern University Lady Tamaraws.

Maghaharap din ang nasa panlimang UP (3-2) at National University Lady Bulldogs (1-4).