Abante Tonite Interactive

ATENEO BLUE EAGLES INAKAY NG TRANSFEREES

149

Inakbayan nina transferees William Navarro at Marco Sario ang Ateneo Blue Eagles upang dagitin ang 97-85 panalo laban sa National University Bulldogs-A sa 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa San Beda-Manila campus sa Mendiola.

Nagtala si Navarro ng 23 points para sa Blue Eagles na nilista ang unang panalo sa tatlong laro habang may 20 puntos si Sario.

Umarangkada ang Blue Eagles ng 17 points na abante sa tulong ni Rodney Manuel.

Nalasap naman Bulldogs ang unang talo sa tatlong salang sa group A, nagtala si Darrell Menina ng 15 markers.

Sa junior division, sinandalan ng Rich Golden Shower­ Montessori School Spartans ang 28 pts. ni Joel Ospeg upang itaob ang La Salle Greenhills, 80-68 para sa kanilang pangatlong panalo.

Kinalos naman ng San Beda-Rizal Red Cubs-A, ang San Beda-Manila B, 137-68, para itarak ang 2-1 card.

Sinakmal naman ng San Beda-Manila Red Kittens-A ang San Beda-Rizal-B, 81-40 habang pinagpag ng Mapua Red Robins ang St. Michael School, 81-56.