Abante Tonite Interactive

Ateneo de Zamboanga nasunog

By
6

ZAMBOANGA CITY — Tinupok ng malaking sunog kahapon ang ilang gusali ng Ateneo de Zamboanga University at masuwerteng walang nasawi o nasaktan na mga guro at estudyante.

Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog na sinasabing nagmula sa cafeteria ng naturang paaralan.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa insidente.
Kabilang sa mga nasunog ay ang Manuel Sauras Hall–na kung saan ay naroon ang cafeteria at College of Law, ang Xavier Hall, Brebeuf Gymnasium, at Kostka Hall.

Nadamay din ang mga sumusunod na tanggapan – Assistant to the Academic Vice-President,  Acade­mic Vice-President, School of Education, School of Management and Accountancy, University Registrar, School of Liberal Arts, College of Nursing, Center of Information Technology Services at Computer Laboratories (Advanced and Basic Laboratories).