Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ateneo humugot ng dayo

0 46

Isa pang talento ang idinagdag ng Ateneo De Manila University sa katauhan ni Fil-Am guard Jared Brown upang palakasin ang Blue Eagles sa 85th University Athletics Association of the Philippines 2022 sa Oktubre.

Si Brown ay galing sa Westmont College sa California at may tatlong taon pamg playing years para sa Quezon City-based squad

“I am a team player. whatever my team needs me to be a playmaker or to score or guard, I feel like I can just provide whatever is needed to win,” pahayag ni Brown, na sasabak din sa World University Basketball Series (WUBS) sa Tokyo Japan.

Handa rin siyang makuha lahat ng aral kayy ADMU coach Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin.

“I want to be a sponge for him and just soak up all his knowledge,” panapos na sey ni Brown.

Puntirya ng Ateneo na makabawi makaraang silatin sa trono ng UP Fighting Maroons sa 84th UAAP 2022 men’s basketball noong Mayo. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.