Abante Tonite Interactive

ATENEO INAMBUS NG TIP

By
6

Piniga ng Technological Institute of the Philippines Lady Engineers sa fifth set ang Ateneo Lady Eagles para maitakas ang sorpresang 26-24, 14-25, 25-21, 18-25, 15-12 panalo sa main game ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig kagabi.

Apat na puntos lang ang nirehistro ni Relea Saet pero bumira naman ito ng 33 excellent sets para ilista ang 1-0 karta ng TIP katabla sa Group A.

Dineliber ni guest player Mylene Paat ang last two hits ng Lady Engineers kabilang ang malutong na spike na nagselyo sa panalo.

Tangan ng Lady Eagles ang manibela 8-6 sa first technical timeout sa fifth set pero nakatabla ang Lady Engineers sa 9-all.

Muling pumarehas ang iskor sa 11-all pero bago iniwan ng Lady Engineers ang Lady Eagles

Kahit naman nasasagad sa laro sina Bernadeth Pons at Remy Palma ipinakita pa rin ng dala­wa na wala silang kapaguran matapos bitbitin ang FEU Lady Tamaraws sa 25-16, 25-18, 25-18 ­panalo ­kontra College of St. Benilde Lady Blazers sa first game.

Parehong miyembro ng Petron Tri-Activ Spikers sina Pons at Palma na naglalaro sa ibang liga, ­pangatlong araw na nila kahapon na humahataw ng bola pero walang bakas ng pagod.

Pumalo si Pons ng 11 points at eight attacks, may 10 markers si Palma tungo sa 1-0 card ng FEU sa Group B.

Naramdaman agad ng NCAA title holder Lady Blazers ang lakas ng Lady Tamaraws matapos silang walisin sa tatlong sets.

“Hindi namin in-expect na mananalo kami ng straight three sets kasi NCAA title holder sila at kumpleto naman ang tao nila kaya siguro adjustment lang din,” saad ni FEU coach Shaq delos Santos.

Tumikada rin si Toni Basas ng 10 points para sa Lady Tamaraws, nagtala si Angelica Cayuna ng 36 excellent sets.

Umiskor si Jeanette Panaga ng pitong puntos para sa St. Benilde.