Abante Tonite Interactive

Ateneo kakayod pa sa Game 2

376

Todo na agad sa Game 1 Finals ang reigning champions Ateneo Blue Eagles tapos ihawla ang UST Growling Tigers 91-77 nitong Sabado para sa tumitin-ding patapos nang UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Nanibasib agad ng Blue Eagles at ‘di nakaporma ang USTe para makalapit na sa three-peat championship na may rekord na walang talo.

Gayunpaman, ipinunto ni Tab Baldwin na mas prayoridad ng koponan na masel-yuhan ang kampeo­nato kaysa sa record.

Giit niya, “Believe me, we just want to play this game on Wednesday well, play it really well, win the game and whatever comes with that, comes with that.”

“We don’t want our focus on anything else. Especially any talk about records or anything like that. Let’s just play this game on Wednesday and do the best we can,”wakas ng coach.

Sa darating na Miyerkoles ang Game 2 sa SM Mall of Asia Arena. (JAT)