Abante Tonite Interactive

Ateneo nakonsiyensya: Manyakis na propesor lagot!

716

Kinumpirma kahapon ni Ateneo de Manila University Loyola Schools Vice President Maria Luz Vilches ang iimbestigahan na ng University Committee on Decorum and Investigation ang alegasyon ng sexual harassment laban sa isang professor ng unibersidad.

Kasabay nito, humingi na paumanhin si Vilches sa mga estudyante at kanilang pamilya na maaring naabuso ng professor.

“On behalf of the Loyola Schools community, I empathize with and apologize to any and all victims who have experienced such unacceptable behavior, especially perpetrated by someone they trust,” paha­yag ni Vilches sa isang statement sa Twitter kahapon.

Abante Hiring – IT dep

“To those who have spoken, thank you for your courage. No one should be made afraid to speak the truth,” dagdag nito.

Tiniyak din ni Vilchez na masusing iimbestigahan ang mga reklamo laban sa professor.

“We assure you that all of the cases that have been filed by victims will be extensively investigated and heard, and persons responsible will be held accountable,” ayon pa sa statement.

Ayon kay Vilchez, nagdesisyon ang unibersidad na huwag maglabas ng impormasyon sa mga estudyanteng nabiktima diumano ng hindi pa pinapa­ngalang professor.

“We will continue to work towards eradicating all forms of sexual and gender-based violence from our community until each and every one of us feels safe in this place we truly call home,” ani Vilchez.

Ginawa ni Vilchez ang pahayag matapos ihayag ng mga estudyante, sa pamamagitan ng student council, ang Sanggunian ng mga Paaralang Loyola ng Ateneo de Manila, na nakatakda silang maghain ng reklamo laban sa nasabing professor.