Abante Tonite Interactive

Ateneo vs. NU sa finals

102

Pinulbos ng Ateneo Blue Eagles ang De La Salle Green Spikers 26-24, 25-19, 25-17 kahapon sa PhilSports Arena para harapin sa Finals ng 2nd Spikers Turf Collegiate Conference ang National­ University Bulldogs na ­tinapos din sa Game 2 ang UST, 25-19, 25-18, 25-21.

Humampas si Marck Espejo ng 24 points, nag-ambag sina Rex Intal at Joshua Villanueva ng nine at eight markers para sa Ateneo na hindi tumikim ng talo sa match ngayong conference.

Sa Game 1 nanaig ang Blue Eagles sa five sets.

Namuno sa opensa para sa Bulldogs si Madzlan Gampong na kumana­ ng 21.

Umpisa bukas ang bakbakan ng defending champion Ateneo at NU.