Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Atenista abante sa world rowing finals

0 72

Naging ikalawang Pinay na pumalaot sa Virtual 2021 World Rowing Indoor Championships sa darating na February 23-27 si Wylene Lu.

Ito’y makaraang pamayagpagan niya ang 1-2-3 finish ng ADMU Rowing Team (ART) ng Pilipinas sa Under-23 lightweight women’s sculls 500-meter race ng katatapos na Online Asian Continental Qualifier Event.

Unang nag-Finals sa lightweight women’s sculls 500m si Melcah Jen Caballero, 23, ng Camarines Sur, national rowing team at Philippine Rowing Association (PRA).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid Biyernes kay ART coach Nicanor Jasmin na ilang players pa niya ang maaring makahabol sa world finals via virtual wildcard race. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.