Abante Tonite Interactive

Athletes Village COVID-19 facility muna – Gov Koike

400

Patuloy na nakikipaglaban ang buong mundo kontra COVID-19 o coronavirus disease 2019.

Maraming kinanselang event sa sports na kasama ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset na sa 2021, nakatakdang magbukas sana sa parating na Hulyo 24.

At dahil sa susunod na taon na ikakasa ang quadrennial sportsfest, nais ipahiram ng Japan organizers ang Tokyo Olympics Athletes Village para pansamantalang gawin munang hospital ng mga COVID patient sa Tokyo.

Malaki at maluwag ang pasilidad na may 24 na gusali at kayang maglagak ng hanggang 11,000 katao.

Aabutin pa ng 16 na buwan bago ilarga ang Olympics kaya posibleng mapagkasunduan na gamitin muna ang Athletes Village para sa mga pasyente ng nakamamatay na virus.

Pero hindi pa tapos ang ibang pasilidad sa Athletes Village kaya mga ilang Linggo pa bago ito magamit ayon kay Tokyo Governor Yuriko Koike.

“The Athletes Village was one of the options, but the village is not finished yet. We are talking about places that are available even today or tomorrow and checking a possibility one by one,” ani Koike. (Elech Dawa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad