Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Athletic director iniwan ang UST

0 193

Nagbitiw bilang University of Santo Tomas (UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) director si Fr. Jannel Abogado sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng pamantasan sa ‘Sorsogon bubble’ ng Growling Tigers men’s basketball team.

Inanunsyo via tweet ng The Varsitarian, campus publication ng UST nitong Miyerkoles, “BREAKING: Fr. Jannel Abogado, O.P. steps down as IPEA director. Abogado’s predecessor Fr. Ermito De Sagon, O.P., who led UST’s athletics program for 16 years, is back as IPEA director.”

SM food to go Banner Ad

Tinanggap ng paaralan ang resignation ni Abogado nitong Martes. Siya ang namuno sa UST sa tatlong sunod na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) championship nang magsimulang manungkulang noong 2017.

Isang waiver para sa mga magulang ng Growling Tigers, upang payagan na magtungo sa Sorsogon ang kanilang mga anak na student-cager ang naka-address kay Fr. Abogado na maaring magsabit sa kanya sa IATF sanction ang pinalalagay pag-iwan niya eskuwelahan sa ere. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.