Abante Tonite Interactive

Atletang Pinoy, hoy gising!

By
834

Palembang — Nakaka-9 na araw na ng kampanya ng mga atleta natin sa 18th Asian Games 2018 sa lungsod na ito na sakop ng Sumatra Province at sa Jakarta City dito sa Indonesia hanggang kahapon tapos ng unang araw ng mga aksiyon noong Agosto 19.

Mayroon na ang ‘Pinas na 3-0-11 gold-silver-bronze medal patungo sa huling limang araw o hanggang Set­yembre 2 na mga kompetisyon.

Nahigitan na natin ang nakopong 1-3-11 para sa ika-22 puwesto noong 2014 Incheon AG.

Buhat ang kasalukuyang 14 na mga medalya sa women’s golf (2-0-1), weightlif­ting (1-0-0), taekwondo (0-0-3), pencak silat (0-0-3), wushu (0-0-2), jiu-jitsu (0-0-1) at cycling (0-0-1).

Sa maniwala po kayo o hindi, angat ang mga atletang Pinay sa kanilang mga kasama­hang manlalarong ­Pinoy dito!

aaBukod sa 3-gold, nakaka-7 bronze na rin ang mga babae samantalang maliban sa bokya pa sa gold, nakaka-4 pa lang na bronze ang ating kalalakihan.

Ang mga naka-bronze sa kababaihan ay sina wushu artists Agatha Chrystenzen Wong sa taijiquan at Divine Wally sa sanda, jins, Janna Oliva, Juvenila Crisostomo at Rina Babanto sa team poomsae at Pauline Louise Lopez sa 57-kg., Cherry May Regalado sa silat individual, parbuster Pagdanganan sa individual, at jiu-jitera Margarita Ochoa sa newaza 49kg.

Samantalang sa mga barako, ang mga naka-medal pa lang ay sina jin Dustin Mella, Jeordan Dominguez at Rodolfo Reyes, Jr. sa team poomsae, Jefferson Rhey Loon sa silat class D 60-65kg at Dines Dumaan sa class B 50-55kg, at cyclists Daniel Patrick Caluag sa BMX.

May tsansa pa naman ang ating mga lalaking atleta na makabawi. Pero dapat magsimula na ngayon.

Papayag ba tayong mga Adan na tuluyang masapawan ng mga Eba?

Kung ako lang huwag naman sana.

Kaya mga male athlete, kilos na bago mahuli ang lahat.

Puwede pa nating higitan sila. O maski pantayan lang ang 3 gold.