Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Atletang Pinoy kikinang – Ramon

0 51

Pormal nang binuksan ng Team Philippines ang kampanya nito sa 31st Southeast Asian Games Huwebes kung saan ay todo ang Philippine Sports Commission sa paghimok sa bawat atlteta sa hangarin nitong sumikat para sa bansa at rehiyon ang mga atletang Pilipino.

Muling hinimok ni PSC Commissioner Ramon Fernandez ang 641 atleta na sasabak sa aksiyon sa 38 sports para mapanatili ang focus at ibigay ang kanilang pinakamahusay na paglahok para magwagi ng mga medalya na kanila mismong maipagmamalaki para sa bansa.

“Let’s encourage our athletes, let’s pray for them. Pinaghandaan nila ito ng husto, it’s their time to shine now,’’ sabi Fernandez, ang chef de mission ng Team Philippines.

Muling magsisimula ang krusada ng Pilipinas para masungkit ang malaking bilang ng medalya sa Biyernes kasunod ng opening ceremony Huwebes ng gabi kung saan 31 atleta at opisyal sa pangunguna ni flag-bearer Ernest John Obiena sa pole vault ang dadalo sa parada ng mga bansa sa My Dinh National Stadium.

Una nang nakuha ni Mary Francine Padios ang pinakaunang gintong medalya para sa bansa matapos manguna sa women’s Seni Tunggal event sa pencak silat bukod sa limang pilak at limang tanso mula sa kurash, handball, rowing at pencak silat na nagtulak sa Team Philippines sa ikaapat na puwesto sa kabuuan sa medal standings.

“I’m pretty much optimistic that our standings will improve as the games come along. Kami ay umaasa at nagdarasal. Kailangan nilang mag-focus at alam nila kung ano ang gagawin. These games are all about the athletes,’’ masayang pagbati sa mga atleta ni Fernandez.

Pinondohan ng PSC ang buong partisipasyon ng 980-strong Philippine delegation sa mga palarong ito, na pinamunuan ng bansa noong 2019 hosting nito.

“Everyday challenges come along. I’m thankful to the PSC staff who are all veterans and experienced in the SEA Games. They know how to solve these challenges,’’ sabi pa ni Fernandez.

Mahigit kalahati sa buong contingent ng Pilipinas ang dumating kasama ang mga atleta sa archery, beach volleyball, dancesport, esports, sepak takraw, fencing, at swimming checking kahapon sa Vietnamese capital.

Bukod sa kickboxing finals sa Biyernes, ang mga Filipino athletes sa badminton, 3×3 basketball, billiards at snooker, bodybuilding, chess, esports, fencing, golf, gymnastics, sepak takraw, table tennis, tennis, wushu, at indoor volleyball ay magsisimula sa kanilang paghahanap ng medalya sa parehong araw. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.