Abante Tonite Interactive

Atong Ang, pasimuno ng gulo sa PCSO?

By
1,535

Maituturing na si Charlie ‘Atong’ Ang  ang umano’y pinakaugat o pasimuno ng gulo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa ating source, ginamit umano ni Atong si PCSO Director Sandra Cam upang guluhin at wasakin ang maayos na pagpapatakbo sa PCSO nina Charman Jorge Corpuz at General Ma­nager Alexander Balutan.

Malapit umano si Atong kay dating PCSO Chairman Ayong Maliksi na isang mataas na opisyal ng Liberal Party.

Ang hinala tuloy ay may motibo ring pulitikal dahil kung magiging magulo ang PCSO ay maaapektuhan ang pondo na pantustos sa proyektong medikal ni Pangulong Duterte na panguna­hing pinakikinaba­ngan ng mga mahihirap na mamamayan.

Pero sa kabilang banda ay bago nagbitiw kamakalawa si Chairman Corpuz sa PCSO ay maayos ang performance at kita ng PCSO na siyang dahilan na magpopondo­ sa mga proyekto ng Duterte administration.

Nakakagulat dahil mula sa P37 billion na income ng PCSO noong 2016 ay naiak­yat ito sa P51 billion noong 2017 o katatapos ng nakaraang taon.

Samantala, ating aabangan kung sino ang ipapalit sa nagbitiw na si Chairman Corpuz at kung si Ms. Sandra Cam ay makakabuting ngayon pa lamang ay magising na agad ito at makaramdam na siya ay ginagamit lang ni Atong para makakuha ng poder sa PCSO.

Kung si Cam ang magsisilbing pinuno din ng PCSO ay makakatuwang nito si GM Balutan na kabisado na ang pangangasiwa sa operasyon ng PCSO lalo na ang pagpapalaki ng income na siyang pangunahing tungkulin ng ahensiya.

Dapat ay tapusin na ang gusot sa PCSO dahil nakakapangamba dito ay baka maapek­tuhan ang mga mahihirap na Filipino na lubos na umaasa sa tulong ng ahensiya.

Sa gagawing im­bestigasyon ng Senado sa usapin ng umano’y maluhong Christmas party sa PCSO ay dapat manaig ang tunay na layuning in aid of le­gislation upang maka­balangkas ng batas na magtatama sa mga naging kamalian kung meron man sa PCSO.

Kung may sablay na opisyal ay dapat lang na papanagutin dahil kailangang sinupin at higpitan ang paggastos sa pera ng taumbayan.