Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Atong, Lucky 8 yari sa mga missing sabungero

0 133

Tinapos na ng Senado ang kanilang pagdinig sa e-sabong operation subalit gusto pa nila siyasatin mabuti ang kompanya ni Charlie `Atong’ Ang kaugnay ng mga nawawalang sabungero.

Sa Committee Report No. 646, inirekomenda ng Senate committee on public order na pinamumunuan ni Senador Ronald `Bato’ dela Rosa na imbestigahan pa ang mga opisyal at kawani ng Lucky 8 Star Quest Inc., isang e-sabong na kompanyang pag-aari ni Ang.

Nirekomenda pa ng komite na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga opisyal at empleyado ng Lucky 8 Star Quest kasama na si Ang na paulit-ulit umanong nababanggit ang pangalan ng mga testigo sa mga ginanap na pagdinig.

Kasama rin sa pinaimbestigahan pa ng komite ang mga operator ng mga sabungan sa Maynila, Laguna at Batangas kung saan huling nakita ang mga nawawalang sabungero.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“For the PNP-CIDG (Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group) and NBI (National Bureau of Investigation), to conduct further investigation against the officers, personnel, and employees of Lucky 8 Star Quest, Inc. including, Mr. Charlie ‘Atong’ Ang, whose name has been repeatedly mentioned by witnesses during the hearing and operator of the arenas in Manila, Laguna, and Batangas, where the missing persons were last seen,” ayon sa committee report.

Nauna nang pinabulaan ni Ang, na dumalo sa maraming pagdinig sa Senado, ang kanyang pagkakasangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Binigyang-diin ng komite na ipagpatuloy ng PNP at NBI ang imbestigasyon sa nawawalang mga indibidwal na may kinalaman sa aktibidad ng e-sabong hanggang sa maresolba ito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.