Abante Tonite Interactive

Atong mas pogi kay Gerald – Ethel Booba

232

Ni: Rona Ronda

Naging kontrobersyal ang pangalan ni Atong Ang dahil sa tatlong Barretto ang na-link sa kanya. Ang siste ay parang mala-Piolo Pascual o Derek Ramsay ang kamandag niya.

Nang ikumpara nga siya sa aktor na si Gerald Anderson ay pumuntos siya ng isa kay Ethel Booba. Nakapanayam ang singer-comedian sa “Tonight With Boy Abunda”.

Sa ‘Truth or Charot’, sinabi ni Ethel na mas guwapo para sa kanya si Atong. At ang dahilan aniya, “Siyempre mapera. Kapag may pera gumagwapo ka ng bonggang bongga.”

Kapwa umiikot sa buhay ng mga Barretto sina Gerald Anderson at Atong Ang. Habang nauugnay si Atong kina Gretchen, Claudine at Nicole, si Gerald naman ay na-link kay Julia Barretto. Si Julia rin ang tinuturong naging dahilan ng umano’y hiwalayan nina Gerald at Bea Alonzo.