Abante Tonite Interactive

‘Atras’ Arroyo napahiya sa pagbura kay VP Leni

By
2,077

Binawi na ang probisyon sa Resolution of Both Houses (RBH) No.15 na nag-eetsapuwera kay Vice President Leni Robredo bilang succesor ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na inulan ng batikos ang kontrobersiyal na probisyon.

Kahapon, nihayag ni Cebu Rep. Raul del Mar sa sesyon na dapat ay may pagwawastong gawin sa Committee Report 81 ng House committee on Constitutional Amendments kaugnay ng panukalang nagsusulong sa pagbabago ng Saligang Batas para maikamada ang federal government.

“In order to introduce perfecting amendment on the failure to include the Vice President in the first line of succession which lead to some misunderstanding and so there is a need to clarify this,” sabi ni del Mar.
Wala namang puma­lag sa hirit ng Cebu solon.

Tumugon naman si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., at binanggit na gagawa ng hakbang ang mayorya patungkol dito.

Samantala, iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na para sa sariling kapaka­nan, sariling interes at sariling kapakinabangan lamang diumano ang itinutulak na Cha-cha ni Arroyo.

Garapalan diumanong nakaumang sa isinusulong na Cha-cha ay para magpatuloy sa paghahari ang mga Duterte, Arroyo at Marcos.

Tila naging pabalat bunga lang aniya ang pederalismo dahil­ pinakatampok sa Cha-cha ay kung paano makikinabang ang mga politiko.

“Kaya wala ng pedera­lismo, ang pede­ralismo dito opsyon na lang parang less than one day na lang ang pagtalakay sa pederalis­mo dito,” sabi ni Tinio.