Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Atras sa drug test: Tulfo napikon sa dyowa ni Tekla

0 229

NI: Ray Mark Patriarca

Naramdaman ni Michelle Lhor Banaag ang hagupit ni Raffy Tulfo matapos na biglaan itong umatras sa drug test para sana mapatunayan na graduate na siya sa paggamit ng iligal na droga.

Sa episode ng ‘Wanted sa Radyo’ nitong Martes, pinaalam ni Michelle na hindi na siya tutuloy sa hair follicle drug test dahil pinagalitan umano siya ng kanyang tita.

“Pinagalitan po ako ng tita ko kahapon pagkatapos po ng interview,” saad ni Michelle. “Sabi po kasi nila may binat pa daw po ako, tapos huwag munang ipagalaw ‘yung buhok.”

Dito na nagsimulang pagsabihan ni Tulfo si Michelle na duda sa dahilan ng ka-live in partner ni Tekla, at sinabing hindi dapat ito naghamon kung aatras lang din.

Biglang bumalikwas si Michelle at sinabing willing pa rin niya sumalang sa drug test, ngunit kumbinsido na si Tulfo na may tinatago nga ang babae at posibleng gumagamit pa ito.

Dahil dito’y binawi ni Tulfo ang kanya sanang itutulong kay Michelle na pustiso, apat na buwang renta at grocery para sa anak nito at pamangkin.

Bukod pa dito, ipapasuri din ni Tulfo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung angkop ba si Michelle para maalagaan ang kanyang anak, at kapag napatunayang hindi ito kaya ang responsibilidad ay tatanggalin sa kanya ang kustodiya ng sanggol.

“Kung gumagamit ka pa rin [ng iligal na droga], hindi ka dapat mag-alaga ng mga bata… kaya ‘yung DSWD pupunta diyan sa bahay ninyo, tatawagan namin para gagawa ng assessment,” saad ni Tulfo. “At kapag nakita ng DSWD na ikaw ay gumagamit pa rin, malalaman at malalaman nila ‘yon, ipu-pull out ‘yung mga pamangkin mo sa’yo… doon sa anak mo bahala na kayong mag-usap ni Tekla.”

Matatandaan na nireklamo ni Michelle si Tekla sa programa ni Tulfo dahil sa umano’y sexual harassment.

Tekla dyowa atras sa drug test, Tulfo nagalit

Naramdaman ni Michelle Lhor Bana-ag ang hagupit ni Raffy Tulfo matapos na biglaan itong umatras sa drug test para sana mapatunayan na graduate na siya sa paggamit ng iligal na droga.

Sa episode ng ‘Wanted sa Radyo’ nitong Martes, pinaalam ni Michelle na hindi na siya tutuloy sa hair follicle drug test dahil pinagalitan umano siya ng kanyang tita.

“Pinagalitan po ako ng tita ko kahapon pagkatapos po ng interview,” saad ni Michelle. “Sabi po kasi nila may binat pa daw po ako, tapos huwag munang ipagalaw ‘yung buhok.”

Dito na nagsimulang pagsabihan ni Tulfo si Michelle na duda sa dahilan ng ka-live in partner ni Super Tekla, at sinabing hindi dapat ito naghamon kung aatras lang din.

Biglang bumalikwas si Michelle at sinabing willing pa rin niya sumalang sa drug test, ngunit kumbinsido na si Tulfo na may tinatago nga ang babae .

Dahil dito’y binawi ni Tulfo ang kanya sanang itutulong kay Michelle na pustiso, apat na buwang renta at grocery para sa anak nito at pamangkin.

Bukod pa dito, ipapasuri din ni Tulfo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung angkop ba si Michelle para maalagaan ang kanyang anak, at kapag napatunayang hindi ito kaya ang responsibilidad ay tatanggalin sa kanya ang kustodiya ng sanggol.

“Kung gumagamit ka pa rin [ng iligal na droga], hindi ka dapat mag-alaga ng mga bata… kaya ‘yung DSWD pupunta diyan sa bahay ninyo, tatawagan namin para gagawa ng assessment,” saad ni Tulfo.

“At kapag nakita ng DSWD na ikaw ay gumagamit pa rin, malalaman at malalaman nila ‘yon, ipu-pull out ‘yung mga pamangkin mo sa’yo… doon sa anak mo bahala na kayong mag-usap ni Tekla.”

Matatandaan na nireklamo ni Michelle si Super Tekla sa programa ni Tulfo .

Leave A Reply

Your email address will not be published.