Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Atrasadong balik ayos kay Guiao

0 259

Na-delay ang plano ng PBA na bumalik sa practice facilities pero hindi bumaba ang enerhiya ng lahat.

“Matagal na naming inaantay ‘yan and we’re all excited to start practicing even in small groups, maski na paunti-unti muna sa umpisa,” lahad kahapon ni coach Yeng Guiao.

Kapag natuloy na ang workout isusunod ang scrimmage, at hindi malayong makabalik na rin ang season na natigil noong March 11 dahil sa coronavirus.

“I think this is the starting point to salvage at least one conference this year,” dagdag ng NLEX coach. “Now that we’re given that challenge, it’s our responsibility to keep ourselves and our own team personnel safe.”

Handa na si commissioner Willie Marcial na abisuhan ang 12 teams kapag nakuha na ang kopya ng joint administrative order na go-signal sa balik-workout. Kahapon ang inaasahang pinakamaagang dating ng JAO.

“Kapag dumating sa akin ‘yung kopya nu’ng order, i-inform ko agad mga team,” ani Kume.

Manggagaling ng IATF ang JAO na binalangkas ng DOH, PSC at GAB. Nakapaloob rito ang guidelines na ipapatupad sa workout. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.