Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Atrasadong mga benepisyo ng health workers iimbestigahan

0 217

Pinaiimbestigahan ni Manila Rep. Manuel Luis “Manny” T. Lopez ang napaulat na pagkakaantala sa pamamahagi ng allowances at iba pang mga benepisyo ng mga medical worker na nasa unahan ng paglaban ng bansa sa nakamamatay na COVID-19.

Sa pamamagitan ng inihaing House Resolution No. 1704 ay nananawagan si Rep. Lopez na makalkal ang naturang usapin.

“The complaints from our essential workers should not fall on deaf ear, but rather, should compel us to review and reformulate the country’s COVID-19 response for the safety and welfare of our citizens and the nation as a whole,” pagpupunto ni Rep. Lopez.

“Undue delay in the provision of benefits and allowances to our essential workers who continue to work tirelessly and valiantly for the country is absolutely reprehensible,” pagbibigay-diin nito.

Batay sa mga ulat, umaangal at nagrereklamo ang mga health worker at iba pang essential worker sa mga naantalang benepisyo at allowances kabilang na ang special risk, meals, transportation at accommodation, gayundin ang performance-based bonuses.

May mga health worker diumano ang sinisingil sa kanilang RT-PCR tests habang may iba na hindi pinagkakalooban ng pandemic o quarantine leave bukod sa kanilang vacation o mga sick leave.

Napaulat din na hindi pinasusuweldo ang mga nakapailalim sa job order.

Nakapaloob sa ilang mga batas at administrative order ang pagbibigay ng benepisyo sa mga health worker gaya ng Republic Act (RA) No. 11469 o Bayanihan to Heal as One act at RA 11494 o Bayanihan to Recover as One Act.

Salig sa mga nasabing batas, dapat sagutin ng gobyerno ang lahat ng gastusing medikal ng mga pampubliko at pribadong health worker sakaling malantad sa COVID-19; pagkalooban ng kompensasyon ang kanilang pamilya kapag sinawing palad na mamatay; bigyan ng special COVID-19 risk allowance; isailalim sa testing kada 15 araw at bigyan ng sapat na personal protective equipment; at pagkalooban ng life insurance, akomodasyon, transportasyon at pagkain.

“With the alarming surge in COVID-19 cases, all of our essential workers, both medical and non-medical, face greater risk to contracting the COVID-19 virus in the line of duty. Our frontliners need government action now, and it is at this juncture that we call for an immediate investigation into their pleas and complaints,” ani Rep. Lopez.

“Our frontliners are risking their lives every day. The least we can do is to listen to them and give what they rightfully deserve,” giit nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.