Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Atraso ng PhilHealth bumaba sa P399M

0 306

Nasa P399 milyon na lang ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) kaugnay sa ibinigay na COVID-19 tests para sa pamahalaan.

Ito ang kinumpirma ni PRC Chairman Senator Richard Gordon matapos magbayad ang PhilHealth ng mahigit P400 milyon kaya nabawasan ang nasa mahigit P800 milyong utang nito sa kanila.

“Nakabayad sila nang malaki nung nakaraan…Kung gusto naman, maraming paraan. Nakabayad sila from P800 million plus naging P399 million ngayon ang utang. Nakabayad sila ng P400 million,” ayon kay Gordon, sa Laging Handa briefing.

Kasabay nito, muling umapela si Gordon sa PhilHealth na regular na bayaran ang kanilang utang upang masustentuhan ang kanilang operasyon.

Sinabi ni Gordon na araw-araw nagsasagawa ng testing ang PRC kaya kung hindi regular na magbabayad ang PhilHealth ay muling lolobo ang utang nito sa kanila. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.