Abante Tonite Interactive

Attendance dinoktor ng liderato ni Cayetano

1,618

Inakusahan ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang liderato ni House Speaker Alan Cayetano nang umano’y pandaraya at pagdoktor sa attendance ng mga miyembro nito tuwing sesyon sa plenaryo.

“Record-high on roll call. But even in the roll call, I was able to prove the other night, dino-doktor nila,” pagbubunyag ni Atienza sa Party-list News Forum.

Ang pahayag na ito ni Atienza ay bunsod ng ‘press release’ ni Deputy Speaker Neptali ‘Boyet’ Gonzales II noong Miyerkoles na ang daily average attendance ng mga congressman ay nasa record high 247 lawmaker kada araw simula nang buksan ang 18th Congress noong Hulyo 22.

Pinabulaanan ito ni Atienza, at sinabi kahit sa roll call ay minamanipula at dinodoktor ng mga kapanalig ni Ca­yetano, “the attendance to make it appear that most of congressmen were attending the plenary session.”

Base sa kanyang sariling pagbibilang sa attendance, mali ang bilang sa record na naitala sa Kamara. (JC Cahinhinan)