Abante Tonite Interactive

Attracted sa matandang may asawa (2)

580

Dear Dra Holmes:

My name is Letty, 28 years old and still single. I would like to know if there’s something wrong with me because I am attracted and derived pleasure from having relationships with older married men. Thank you and God bless po. Xoxo

Dear Letty:

Maraming salamat sa sulat mo na una kong sinagot noong nakaraang Sabado, Nobyembre 3. Sinabi ko doon na hindi kita kilala ng sapat para maibigay sa iyo ang pinakaposibleng dahilan na mahilig ka sa lala­king may edad at may asawa. Marami kasing dahilan para magkagusto ang babae ng ganitong klaseng lalaki so bibigay ko na lang sa iyo ang mga pinakapangkaraniwang dahilan, ok?

Related Posts

1. Kadalasan, mas may pera ang isang lalaking mas matagal sa trabaho niya kaysa sa isang mas bata na kauumpisa lang ng trabaho. Para sa iilang mga babae, mas exciting ang kumain sa 5-star hotel kaysa sa Joli­bee at mag-check in sa Shangri La, halimbawa, kaysa sa motel na katabi ng bahay nila. Para sa iilang mga babae, mas masaya ring mabigyan ng tunay na Louis Vuitton bag kaysa sa isang bag na kamukha ng Louis Vuitton pero hindi talaga.

Pero hindi ito totoo sa lahat ng kababaihan. Mayroong mga babae na mas gustong hintayin ang isang lalaking umiipon para pakasalan sila, kaysa sumama sa isang mayaman na habang-buhay ay hanggang querida lang sila.

2. Mas marunong din mag-alaga ang mga mas matanda at mas may edad. Una, mas marami silang karanasan sa mga babae; ibig sabihin, mas may karanasan sila sa iba’t ibang kiliti ng iba’t ibang babae, mas madali silang makahula kung anong klaseng lambing ang kailangan ng iba’t ibang babae, atbp. To be continued…

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com