Abante Tonite Interactive

Attracted sa matandang may-asawa

By ,
830

Dear Dra. Margarita Holmes,

My name is Letty, 28 years old and still single. I would like to know if there’s something wrong with me because I am attracted and derived pleasure from having relationships with older married men.
Thank you and God bless po.

Dear Letty:

Maraming salamat sa sulat mo. Ang tanong mo ay malalim at kailangan ko ng mas maraming impormasyon bago kita masagot ng swak na swak sa iyong partikular na sitwasyon. Lalo na dahil hindi ko alam kung gaanong katindi ang iyong kagustuhan sa mga lalaking ito.

Hindi ko rin alam kung ilang beses ka na nagkaroon ng relasyon sa mga lalakeng may asawa. At hanggang saan umabot ang inyong relasyon. At kung nagkaroon ka ng relasyon sa isang lalakeng mas malapit sa edad mo at walang asawa?

Lahat na ito ay makakatulong magbigay ng mas malawak at mas malalim na paliwanag kung bakit ka mas naaakit sa mas matanda sa iyo at, hindi lang yun, bakit pa kailangang may asawa na sila.

(Afterall, maraming mga lalakeng may edad pero walang asawa na gusto pa ng super bata sa kanila).

Ang magagawa ko lang ay ibigay sa iyo ang pinaka madalas na mga dahilan na nagyayari ito sa mga 30 ta
ng gulang pataas na mga babae na wala pang asawa at naaakit sa mga mas matandang lalake na may asawa na.

Mabibigyan ko rin ang isang dahilan kung bakit mas masakit na maiwan ka ng isang lalakeng ganito kaysa maiwan ka ng mas ka-edad mong lalake na na walang asawa. Ang dahilan ay hindi halata, at ang iba ay nagdududa kung una nilang maririnig.

Pero kapag maintindihan nila ang lohika o logic­ sa likod ng mga kilos ng isang mabait na babae ka­tulad mo ay maniniwala na sila. (Final installment next Saturday)