Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aurin, Altas umabante

0 69

Pumukol ng siyam na puntos sa fourth period si Kim Aurin upang sipain ng Perpetual Help Altas ang Arellano Chiefs, 59-52, at umusad do-or-die sa play-in sa 97th National Collegiate Athletic Association seniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan City Linggo.

May total 16pts ang senior player sahog pa ang 5 rebounds, 2 assists at 1 steal upang giyahan ang UPH sa rambol para sa No. 4 sa semifinals sa Miyerkoles ng alas-3:00 ng hapon laban sa St. Benilde Blazers na yumukod sa San Beda Red Lions sa first game, 63-57, para sa No. 3 seed sa Final Four.

Nagsipag-ambag ng tig-10 puntos sina Jielo Razon at Lean Martel para pagbakasyunin na ng Altas ang Chiefs.

SM food to go Banner Ad

“Ginusto naming manalo pagod man kami, pero mas umangat ang kagustuhan naming Manalo,” bulalas ni Razon.

‘Di sinalba ng 12 markers ni Jordan Sta. Ana ang AU. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.