Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Auring’ binayo Surigao, lumubog

0 53

Binaha ang maraming lugar sa Surigao del Sur kahapon kasunod ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong ‘Auring’.

Sa isang panayam kahapon sa radyo kay Abel de Guzman, chief ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Surigao del Sur, sinabi nito na hindi pa man nag-landfall ang bagyo tumaas na umano ang tubig partikular sa mga lugar malapit sa ilog.

“Nasa 8,000 na po ang displaced natin,” dagdag ng opisyal. Umabot sa 126 na barangay ang naapektuhan ng mga pagbaha. “Dahil sa taas ng tubig, may mga portions na walang kuryente,” aniya pa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.