Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Auring’ bumirit pa sa Caraga; baha, landslide binabala

0 37

Nasa 25 lugar na ang nasa ilalim ng Storm Signal No 1 kasunod ng landfall ng bagyong Auring sa Caraga Region ngayong Linggo.

Kabilang sa nakakaranas ng masamang panahon ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, Dinagat Islands, Surigao del Norte.

Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur,Davao Oriental, Davao de Oro,Davao del Norte,

Davao City, Camiguin, Misamis Oriental Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon at Lanao del Sur.

Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mga apektadong lugar na maghanda sa pagbaha at landslides dahil sa maraming ulan ang hatid ng bagyo.

Nakataas din ang gale warning sa loob ng 24 oras sa Visayas, Bicol Region, CALABARZON, at Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon at Palawan kung saan matataas ang alon dahil sa pinagsamang epekto ng hanging amihan at bagyong Auring.

Pagkatapos mag-landfall sa Caraga Region ay tatahakin ni Auring ang direksyon patungong Visayas at MIMAROPA.

Pagtama sa lupa ay hihina ang bagyo bago ito lumabas ng Philippine Area of Responsibility.

Nasa bisinidad na ito ng Hinatuan, Surigao del Sur taglay ang lakas ng hangin na 75kph at bugso na 90kph, kumikilos ito sa bilis na 15kph. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.