Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Auring’ sinasaga 4 lalawigan sa Mindanao

0 49

Apat na lugar sa Mindanao ang nasa ilalim ngayon ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 dahil sa Bagyong Auring.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) taglay ng Bagyong Auring ang lakas ng hangin na 95kph at bugso na 115kph, huli itong namataan sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Tinaas ang Signal No. 1 sa Davao Oriental, silangang bahagi ng Davao de Oro (Pantukan, Maragusan, New Bataan, Compostela, Monkayo), timog-silangang bahagi ng Agusan del Sur (San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento, Santa Josefa), timog na bahagi ng Surigao del Sur (Bayabas, Cagwait, Marihatag, San Agustin, Lianga, Barobo, Tagbina, Hinatuan, Bislig City, Lingig)

Sinabi ni weather specialist Raymond Ordinario na sa kanilang forecast ay Signal no 2 ang pinakamataas na wind signal na maaring itaas sa ilalim ng Bagyong Auring. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.