Abante Tonite Interactive

Aussie Open Juniors Tournament Eala abante sa 2nd round

223

Mainit ang panimula­ ni Alex Eala, kinaldag si Shavit Kimchi ng Israel sa tatlong set 6-0, 4-6, 6-2 para umusad sa ikalawang round ng 2020 Austra­lian Open juniors tournament kaha­pon sa Court 12 ng ­Melbourne Park.

Hindi umubra kay Eala ang 18-year-old counterpart sa unang set bago bumawi sa ikalawang frame.

Pagsapit ng third set, muling umangas ang mga palo ni Eala para tuluyang kunin ang panalo at tumuloy sa second round ng juniors Grand Slam.

Nakatakdang makapaluan ni 14-year-old Eala ang magwawagi naman sa pagitan nina local bet Mia Repac at Julie Belgraver ng France.