Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Australia nawindang: Sotto inaagaw ng Indonesia

0 729

Naguluhan ang mga Australyano sa tunay na lahi ni National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto.

Matapos ianunsyo Miyerkoles ng National Basketball League (NBL) sa Down Under na lalaro sa kanila ang binatang cage phenom, nagsulputan ang mga Pinoy na nagkunwaring Indonesian at sinasabing ‘Indo Pride’ si Sotto.

Saad Huwebes ng isang netizen: “Pride of Indonesia can’t to see you wear our national clothes Go TIMNAS!”

Hirit pa ng isa, “Supporting Kai from Indonesia Patriots.”

Ang Indonesia Patriots ay isa sa 12 team na kumakampanya sa ongoing 5th Indonesian Basketball League 2021.

Isang Australian tuloy ang napatanong kung Pinoy o Indonesian ang 18-year-old, 7-foot-3 hoopster.

“Looking through the comments I see both Indonesians and Filipinos trying to claim him as their own. Where exactly does he come from???” comment ni Bevan Jonsson.

Pero isang Pinoy si Sotto na isinilang sa Las Piñas, at ang ama ay si retired Philippine Basketball Association (PBA) journeyman Ervin Sotto, naglaro sa limang team sa walong taong pro career noong 2004-12.

Nakatakdang sumama sa Adelaide quintet ang nakababatang Sotto para sa preseason training sa susunod na taong ika-41 edisyon ng NBL. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.