Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Australian chopper bumagsak sa PH Sea, 3 sakay ligtas

0 56

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nangyaring pagbagsak ng isang Australian MH60R Seahawk Helicopter nitong Miyerkoles ng gabi habang dumadaan sa silangan ng Luzon.

“The AFP was informed of the unfortunate crash involving Austra­lian MH60R Seahawk Helicopter Wednesday night while transiting East of Luzon,” ani AFP spokesperson Col. Ramon Zagala.

“The aircraft is operating from HMAS Brisbane, which was reportedly on regional presence deployment with HMAS Warramunga,” dagdag niya.

May sakay ito na mga tatlong crew member mula sa Royal Australian Navy MH-60R Seahawk helicopter. Sugatan ang tatlo pero nalapatan ng lunas, maayos na ang kondisyon, at ligtas nang narekober ng HMAS Brisbane.

Ayon sa report, nag-o-operate ang sasakyan mula sa HMAS Brisbane bilang bahagi ng Regional Presence Deployment sa HMAS Warramunga, nang mag-emergency landing ang crew sa karagatan.

Tapos, ang HMAS Brisbane ay nagpadala ng mga sea boat at niligtas ang mga crew.

Batay kay Zagala, nakikipag-ugnayan pa ang AFP sa Australian counterparts nito hinggil sa pagbagsak at nagsabing handa silang tumulong sa mga apektado.

Samantala, ligtas ang piloto mula sa bumagsak na spray plane sa Davao de Oro nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report, nangyari ito sa Brgy. Pangi sa bayan ng Maco.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagsasagawa ng aerial spraying sa plantasyon ng saging sa farm 1 ng kompanyang Marsman ang eroplano na minamaneho ni Capt. Rotillo Fuen­tez, ngunit biglang nagkaproblema sa makina.

Ligtas pero may mga galos at sugat ang piloto pero nadale ang 47 na bagong tanim na puno ng saging. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.