Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Austria, Beermen balik lakas kay Ross

0 166

Ikinatuwa ni San Miguel Beer coach Leovino ‘Leo’ Austria ang pagbabalik-bansa ni Christopher Michael ‘Chris’ Ross na dalawang buwang hindi nakasama ng Beermen dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang ama sa Estados Unidos.

Dumating na sa bansa ang 38-anyos, na 6-1 ang taas na veteran combo guard mula Texas Lunes ng gabi at kasalukuyang naka-quarantine na bago muling makasama sa team practice san a-postponed na dalawang linggong 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup elims dahil sa pagtaas ng COVID-19 sa Metro Manila.

Inamin ng bench tactician na lubha niyang kinabahala ang kawalan g serbisyo ni Ross sa dalawang sunod na nalasap na olats ng Beer bago nakabawi sa tatlong sunod na panalo tungo sa muling pagpapahinga ng liga dahil sa pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We certainly miss Chris (Ross) because of the hassle and great defense that he gave for us. So glad that he is back here and will be joining us,” litanya Martes ni Austria.

Pilit namang iwinawaglit ng basketbolista ang pagluluksa sa pagkamatay sa masaklap na aksidente ng ama.

Absent na ang two-time Defensive Player of the Year nang malasing ang Beer kontra TNT noong Oct. 17, 79-97 sa Game 7 ng Philippine Cup semifinal series sa Bacolor bubble. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.