Abante Tonite Interactive

Austria, SMB alerto sa resbak ng Phoenix

313

Inaasahan na ng San Miguel Beer ang matin­ding resbak ng Phoenix sa Game 2 ng kanilang PBA Philippine Cup semifinals series mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Dumistansiya sa third quarter ang San Miguel bago sinalag ang rally ng Fuel Masters para ekisan ang 100-88 panalo sa MOA Arena noong Sabado.

“Phoenix is the No. 1 seed before the playoffs,” lahad ni Leo Austria. “They’re capable of bouncing back hard.”

Hindi raw puwedeng balewalain ang kakaya­hang bumalik ng Fuel Masters, tinapos ang eliminations sa 9-2 win-loss card.

“Hopefully, makapag-prepare kami ng maayos and ma-execute ulit namin ng tama ang gameplan sa kanila for Game 2,” dagdag ng Beermen coach.

Naipanalo lahat ng SMB ang huling anim na best-of-seven series kapag sinisikwat ang opener. Apat dito ay tinapos nila sa limang laro.

“Sana maging consistent kami at mangyari uli ‘yun,” pakli ni Austria.

“Lahat naman nagtse-change. All we have to do is never mind all those records in the past. We cannot dwell on the past. We have to focus on our next game.”

Ganito rin ang pana­naw ni veteran Arwind Santos. (Vladi Eduarte)