Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Austria, SMB asam top 4

0 109

Smart Clark Giga City – Sasagupain ng San Miguel ang NorthPort na nakatanaw sa top four finish ng PBA Philippine Cup.

Huling laro na sa eliminations ng 6-4 Beermen ngayon sa Smart 5G-powered AUF gym. Out na sa next round ang 1-8 Batang Pier.

Twice-to-beat ang 1-4 laban sa 5-8 sa quarterfinals, malaking bonus kung sakali sa Beer na walang June Mar Fajardo sa buong torneo, at sa kalagitnaan ng elims ay nalagasan pa ng Terrence Romeo. Inabot ng right shoulder injury si Romeo sa pangatlong laro lang ng SMB sa Pampanga bubble noong Oct. 16.

Kapag natalo ay bababa pa ang San Miguel.

“Kapag nanalo we have a chance to make it to the top four,” suma ni coach Leo Austria. “That’s why it’s a crucial game for us. Parang start na ng quarterfinals namin ‘yung laro bukas, best-of-three na for us. We need to win twice para makapasok na sa semifinals.”

Para magawa ‘yun, kailangan ng five-time defending champions ang solidong laro mula kina Mo Tautuaa, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Von Pessumal.

Tinalo ng Beer ang Ginebra 81-66 noong Linggo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.