Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Austria: Sundin lang ang IATF

0 255

Pinagbigyan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang request ng PBA na makabalik sa workout.

Pagkakataon naman ng players na siguruhing susunod sa regulasyon at protocol sa mga binuksan nang practice facilities.

“I think as a whole, kayang-kaya naman ng players mag-comply,” ani San Miguel Beer coach Leo Austria, via TV5.

Kasama si Austria sa coaches at team managers na pinulong ni commissioner Willie Marcial noong Biyernes para abisuhan sa mahigpit na protocols.

By batch lang ang papasok sa pasilidad, may kasamang isang trainer. Sa labas na lang magmo-monitor ang health officer.

Istriktong bahay-gym-bahay lang ang players. Walang liguan pagkatapos ng workout, lalabas ang mga nasa loob diretso bahay at idi-disinfect ang venue bago papapasukin ang susunod na batch.

“From practice to pag-uwi sa bahay, we have to be disciplined and sumunod sa regulations,” dagdag ni Austria. “Mangyayari, bahay-venue lang. Ganun mangyayari para maiwasan ‘yung transmissions.”

SMB at Magnolia pa lang ang nakakalaro sa season, ang 94-78 win ng Beermen sa opening night noong March 8. Makalipas ang tatlong araw, kinansela na ang Philippine Cup dahil sa banta ng coronavirus. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.