Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Automatic Centre sarado na sa Oktubre

0 61

Magsasara na ang pinakamatagal nang appliance at electronics retail store sa Pilipinas simula sa Oktubre 10, 2021.

Batay sa sulat ni Automatic Centre president at chief executive officer Geoffrey Lim sa mga partner ng kompanya kahapon, sinabi niyang opisyal nang isasara ang kanilang mga retail shop sa susunod na buwan dahil sa sunod-sunod na hamon na dala ng COVID-19 pandemic na hindi na nito kinaya.

“The COVID-19 pandemic has caused tremendous challenges on our business and it is with much regret and trepidation that we share this news with you today,” sabi ni Lim.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mayroong 20 retail shop ang Automatic Centre sa Metro Manila at 1948 pa ito itinayo.

Tiniyak naman ni Lim na aayusin ang mga obligasyon ng kompanya sa kanilang mga partner para maging maayos ang transition bago tuluyang isara ang kanilang mga shop.

Nagpahiwatig si Lim na handa silang `ipaampon’ ang magandang pangalan ng Automatic Centre sa mga interesadong gamitin ito para mapanatiling buhay ang alaala nito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.