Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Avaricio bibira sa Malarayat

0 37

Asinta uli nang mainit na si Channele Avaricio na ituloy ang pagsungkit ng pangatlong korona ng Ladies Philippine Golf Tour pagkaraan ng magkasunod sa Hallow Ridge at Caliraya, sa pagpalo ng ICTSI Mount Malarayat Challenge simula sa Mayo 11 sa Lipa City.

Nakaunang tagumpay sa Riviera-Couples noong isang taon saka sinunod ang pamamayagpag sa dalawang paghambalos sa Laguna na inoorgania ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. sa nagdaang buwan, ginamit ng dating pambato ng University of Alabama ang mahabang pahinga sa training upang paghandaan ang mapuwersang hamon na tulad ng mga former leg winners na sina Chihiro Ikeda and Sunshine Baraquiel, at iba pa.

SM food to go Banner Ad

“I need to practice on the things that I need to improve on, especially my driving,” lahad ni Avaricio pagkatabig kay Ikeda upang iposte ang isang palo sa ICTSI Caliraya Springs Championship. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.