Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Avaricio, Uy uhaw sa titulo

0 33

Gutom para sa titulo ng Ladies Philippines Golf Tour sina Chanelle Avaricio at Daniella Uy kaya target ng mga ito na magpasiklab sa ICTSI Riviera Ladies Challenge na sisimulan sa Miyerkoles, Couples course sa Silang, Cavite.

Kinapos noong Hulyo si Avaricio sa korona ng Sherwood at Eagle Ridge-Norman, pumang-apat sa Eagle Ridge-Aoki noong Marso at pumang-anim sa Eagle Ridge-Aoki at Tagaytay Highlands kamakailan.

SM food to go Banner Ad

Sa kabilang dako, hindi rin sapat ang naging paghampas ni Uy sa ilang LPGT tourney. Tumabla sa pangalawang puwesto kasama si multi-titled Chihiro Ikeda sa Highlands, hangad ng former Junior World champion na manguna sa torneo ngayong linggo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.