Abante Tonite Interactive

`Avatar’ nahulihan ng shabu sa checkpoint

920

Isang 19-anyos na lalaki ang dinakip makaraang mahulihan ng shabu sa isang quarantine checkpoint sa Brgy. Lawa, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauayan City Police, ang suspek na si Bernard Langco alyas `Avatar’ na residente sa nasabing barangay.

Nahulihan ang suspek ng tatlong pakete ng shabu sa kanyang bulsa.

Nabatid na pasado alas-dos ng hapon nang magtangkang lumusot sa quarantine checkpoint ang suspek kung saan nagpakita ito ng angas at nagbitiw ng hindi magandang pananalita nang harangin ng mga awtoridad.

Dahil sa kanyang inasal kung kaya’t kinapkapan siya ng mga awtoridad at doon nadiskubre ang tatlong pakete ng shabu sa kanyang bulsa.

Inaresto ang suspek at dinala sa Provincial Crime Laboratory Office sa Malolos City upang isailalim din sa drug test. (Jun Borlongan)

Tonite – Wendys Inhouse Ad