Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Avery lipat Heat sa 2-taon, P558M

0 117

Tinanguan na ni free agent guard Avery Bradley ang two-year deal na inihain ng Miami Heat, ayon sa ulat ng The Los Angeles Times.

Kumalas si Bradley sa kontrata sa Lakers na nakakahalaga ng $5M para sa susunod na season. Tatanggap siya ng $11.6M (P558M) sa Heat.

Family health concerns ang dinahilan ni Bradley sa hindi pagsama sa Orlando bubble nang tapusin ang season na pinigil ng pandemic noong March.

Non-factor si Bradley nang habulin ng Los Angeles ang 17th championship banner laban sa Miami.

Unang nakilala si Bradley sa kanyang makulit na depensa pero nahasa ang opensa nang malipat sa Lakers sa nakaraang season.

Sa 49 games sa Lakers, nag-average ang 29-anyos na guard ng ng 8.6 points, mula sa 36.4% clip sa 3-point range. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.