Abante Tonite Interactive

Avynn mas bet ang tanders kesa bagets

1,191

Para sa Batch 2 ng TONITE Babe Ganda Mo, Teh, si Avynn Malilong ang pambato ng Banaba, San Mateo, Rizal para sa ­buwan ng September.

Siya ay 19 years old, 5’-6 1/2” ang height at may vital statistics na 34-24-34. Si Avynn ay 4th year sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina sa kursong Bachelor of Science in Accountancy.

Ang sports at hobby niya ay badminton at playing guitar, respectively. Ang title na napanalunan na niya ay bilang Bb. Banaba 2017.
Dream niya ring ma­ging isang beauty queen at sundan ang yapak ng idol niyang si Pia Wurtzbach.

Saad niya, “Yes po, gusto kong maging Miss Universe, idol ko po si Pia Wurtzbach, kasi po ang dami niya pong pinagdaanan, pero sa kabila nito, iyon po, na-reach niya po iyong dream niya.”

Ano ang kaibahan niya sa mga candidate ng Abante Babe? Saad ni Avynn, “Dedication, determinado talaga po kasi ako talaga sa goal kong ito sa buhay.”

Ano ang sexiest part ng kanyang body? “Baywang po siguro, kasi maliit eh and ‘yung legs ko, kasi long-legged naman daw po ako.”

Sino naman ang pantasya niyang actor at crush? “Si Vhong Navarro po, kasi ang galing niya kasing sumayaw at cute siya. Kapanta-pantasya kay Vhong, ‘yung dance move niya.”

Ano ang mas bet niya, bagets na walang pera or older guy na mayaman o maraming pera? “‘Yung gusto ko ang older guy, hahaha! Kasi, mas matured na sila compared sa bagets,” nakatawang saad pa niya.

Sino sa tingin niya ang mas magaling sa bed, bagets or older guys, “No idea po ako eh, hahaha!” nakata­wang saad pa niya.

Creative Director: Roldan Castro, Project­ Director: Meg Pe­rez, Photographer: Ben Nollora, Assistant Stylist: Mark Talaue, Swimwear: ­Julius Pegarro. Make Up: Cut Encarnacion Group of Salon, Creative Team: Panji Penaflor, Swit Garcia, Ariel Carlo Reyes, Lj Gellido.

Sa mga gustong su­mali para maging TONITE Babe para sa buwan ng October, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa Abante Tonite si “Avynn Malilong Legaspi, Tonite Babe #2 Batch 2 for September” (70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa TONITE Babe, Abante TONITE office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Ave­nue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Ma­nagement Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang ibang seksing larawan ni Avynn Malilong, du­malaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.