Abante Tonite Interactive

Award sa movie ‘di sinipot Daniel, Kathryn nag-iiwasan?

By
0 236

Sa katatapos lang na FDCP Film Ambassadors’ Night, na ginanap nu’ng Linggo ng gabi sa Samsung Hall, SM Aura, Taguig ay isa ang pelikulang “The Hows of Us” mula sa Star Cinema, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa tatlong pinarangalan bilang Camera Obscura Artistic Excellence Award. Ito ay dahil sa laki ng kinita nito sa takilya nu’ng ipalabas ito last year. Kumita ito ng 805 million worldwide.

Dumalo sa okasyon si Kathryn, pero si Daniel ay hindi. Ipinaliwanag ni Kathryn kung bakit hindi nakarating ang kanyang ka-loveteam at boyfriend.

“Gusto niya talaga (dumalo), kaya lang, mayroon siyang naunang schedule­ ngayon, kasama ‘yung family niya. Out of town siya ngayon, hindi niya kayang umuwi, “sabi ni Kathryn nang makausap namin bago niya tanggapin ang kanilang award.

Anong feeling na dahil sa laki ng kinita ng The Hows Of Us, ay binigyan sila ng award?

“Grabe! Napaka-overwhelming niya hanggang ngayon. Ano, ang saya! Kasi grabeng blessed kami ni DJ. Lahat ng Star Cine­ma movie namin, tinangkilik ng mga fan namin,” lahad niya.

May pressure ba na dapat lahat ng pelikulang gagawin nila ni Daniel ay malaki ang kikitain?

“Of course nandun yung pressure,” pag-amin ni Kathryn.

“Pero mas nai-inspire kaming gumawa pa ng pelikula, dahil alam namin na marami kaming nata-touch na mga tao,” aniya pa.

Samantala, tinatawanan lang ni Kathryn ang bagong isyu sa kanila ni Daniel, na diumano’y may hindi sila pagkakaunawaan ngayon. Na naging dahilan para nga raw i-unfollow Daniel sa Instagram.

“Natawa ako na napansin pa nila ‘yun. Sinabi ko sa TV Patrol, na walang dapat ipag-alala ‘yung mga fan namin.
Sobrang okey kami ni DJ. Aksidente ko lang na na-block siya, hindi ko talaga ‘yun sinasadya. May ibang mga artista rin na naba-block ko sila accidentally. So nagugulat sila.”

Anong reaction ni Daniel?

“Wala! Hindi naman kasi siya masyadong nagso-social media. Kaya hindi niya alam yung isyung block sa amin,” paliwanag pa niya.

Sa darating na Valentine’s Day, ano ang plano nila ni Daniel?

“Magdadagat. As usual, magbi-beach kami. Kung saan man ‘yun, malalaman ninyo rin naman. Excited na kami, “pagwawakas niya.