Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Award-winning director basura ang pelikula

0 169

ROMMEL PLACENTE:Mga ka-Cuatros,hanga ako rito sa isang direktor dahil in fairness mahusay naman talaga siya .Award-winning director ng siya. Hindi na mabilang ang Best Director trophy na natanggap niya.

Pero alam ninyo ba na kahit mahusay siyang director ay nakakagawa rin siya ng basura o hindi magandang pelikula?
Tulad ng isang sexy film na ginawa niya na ang bida ay isang baguhan.

Ang pangit talaga ng pelikula. Pulos hubaran lang ang ipinakita,walang istorya Nota kung nota pa ang labanan ng mga nagsiganap.

Hindi ako makapaniwala na siya ang direktor ng nasabing pelikula . Bread trip lang ba ‘yung project na ‘yun?Parang biglang nawala ang paghanga ko sa kanya.

MILDRED BACUD: Masyado lang bang hype ang award-winning director na ito? Internationally acclaimed ang kaniyang mga pelikula at walang dudang umaani sa mga film festivals abroad. Pero ang hindi ko maintindihan ka-Cuatros na alam kong hindi lang ako, bakit hindi ko ma-appreciate ang karamihan ng pelikula niya. Dahil mahilig siya sa temang no script, ang nangyayari pauli- ulit ang dialogue ng mga artista. I mean estilo niya marahil ‘yun pero iba pa rin kasi kapag may sinusundang script. Okay lang sana kung ang artista ay beterano na o mahusay pero marami din kasing baguhang artista na hirap sumabak sa mga ganyang no script. Hindi naman lahat ng artista ay tulad ni Nora Aunor kahusay na mata pa lang ay umaarte na kahit walang dialogue.

ROLDAN CASTRO: Nanghihinayang din ako sa pelikula ng isang director.Ang ganda ng daloy ng istorya ng movie niya, pang-international ang dating pero napupulaan sa mga dialogue ng artista.

Nagmumukhang basura at cheap ang pelikula dahil walang wawa ang dialogue ng mga artista. ‘Yun din ang disadvantage ng walang script na sinusunod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May isa namang director pinaghihinalaan kung siya pa ba ang nagdidirek dahil basura ang mga huling movie na ginagawa. Tanong tuloy ng isang kritiko, may ghost director na ba siya dahil pangit ang pelikula niya? Parang hindi raw niya gawa.

Nakakaloka rin ang isang director na humhakot ng award. Pag papnoorin ang pelikula very elementary ang dating. Hindi namin maisip kung paano siya nagka-award,huh?!

RODEL FERNANDO: Sa tagal na rin sa industriya ng isang direktor ay masasabing beterano na siya. Pagdating sa trabaho ay masipag siya at professional pero mailap sa kanya na magka-award sa Pilipinas.Hindi talaga siya talaga pinapalad na maparangalan sa sariling bayan.

Maiba naman tayo, may ibang trip ang gay direktor na ito. Kapag may natipuhang lalaki ay isinasama niya ito sa kanyang pelikula.

Minsan ay nag-away sila ng kanyang producer dahil sa pagpupumilit na magsama ng nagustuhan niyang lalaki.

Eh ang hombre ay hindi marunong umarte kaya di aprub sa produ. Ang ending hindi natuloy gawin ang pelikula at sising-sisi ang direktor. Ganunpaman, hindi siya tumigil sa kanyang trip basta may lalaking feel niya ay isinasama niya sa kanyang mga pelikulang ginagawa.
Zino Ziya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.