Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Awards Night sa March 27

0 89

SA unang pagkakataon sa kasaysayan, idaraos ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang Annual Awards Night 2021 via virtual dahil sa patuloy na Covid-19.

Nakatakda ang okasyon sa March 27, na may limitadong bilang lang ng mga bisita ang papapasukin sa TV5Media Center studio sa Mandaluyong, samantalang ang iba awardees at attendees ay maghu-hook na lang sa online.

Kahit hindi nakaligtas ang buong mundo ng sports sa pandemya, may ilan pa ring Pinoy athletes ang kuminang at at tumindig sa harap ng mga pagsubok upang pasayahin ang bansa sa gitna ng halos kawalang pag-asa.

Tampok sa espesyal na pagtitipon na mga suportado ng San Miguel Corporation (SMC) at Philippine Sports Commission (PSC), ang pagkakaloob ng Athlete of the Year trophy na eksklusibong ginagawad ng pinakaunang orgnisasyon ng media sa bansa, na pinamumunuan sa ikalawang sunod na taon bilang pangulo ni Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.