Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Awat muna aircon bus

0 342

Balik-linya na muna tayo guys matapos ang ating pagbubugay sa mga kababaihan sa pagdiriwang ng kanilang buwan ngayong Marso.

Sangkaterba na naman ang kaso ng Covid-19 kaya hindi siguro ako magugulat kung dumating na naman ang mga araw na kahit gustuhin nating maghahataw ng ating mga oto sa labas ng Metro Manila ay hindi na ulit magagawa dahil sa paghihigpit ng mga awtoridad.

Pero ang situwasyon ngayon kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ay malaki na ang ipinagkaiba, malaki ang ipinagkaiba dahil tila ang mga tao ay hindi na ganoon katakot na madapuan ng nabanggit na nakakamatay na karamdaman.

Ipinatupad ang curfew sa gabi pero sa araw naman ay nagmimistulang langgam ang mga commuter sa pag-aabang ng masasakyan patungo sa kanilang mga trabaho at sa hapon naman pag-uwi sa kanilang mga tahanan at tinutuluyan.

Ang mga walang sariling sasakyan ay hindi na ganoon kahirap sa kanilang pagcommute dahil nagbalikan na sa biyahe ang mga bus, modern jeepneys at ang mga literal na dyip na karaniwang magkaharapan sa pag-upo ang mga pasahero.

Karamihan sa mga namamasada sa kasalukuyan ay mga de-aircon na mga pampublikong sasakyan dahil bukod sa mga modern jeepneys ay halos mga airconditioned buses din ang namamasada sa mga major thoroughfares ng Metro Manila.

Katunayan, ang ibang mga namamasada nga ay mga rutang pamprobinsiya bago ang pandemya gaya lamang ng Philtranco, Genesis Bus Lines, Saulog at Five Star.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Mga airconditioned units ang pinakawalan ng mga kumpanyang ito sa pagbibiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila.
Taliwas naman ito sa obserbasyo at pag-aaral ng ilang eksperto na dapat ay iwasan ng mga tao ang magtungo sa mga kulob na lugar upang maiwasan ang hawaan.

Ang airconditioned bus ay kulob na kulob kaya hindi malayong tumutulong ito sa arawang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ay bukod pa sa aspetong hindi naman sigurado kung regular na sumasailalim sa sanitation ang mga airconditioned buses bago isalang sa biyahe.

Kaya bilang karagdagang hakbang para muling mapababa ang bilang ng kaso habang nag-aantay sa panibagong bakunang idadagsa buhat sa ibang bansa ay dapat na awatin na muna ang mga ariconditioned buses at pansamantala ay ipalit ang mga ordinary buses o yaong puwedeng mabuksan ang mga bintana.

Kung maalala natin, ipinagbawal sa Cebu ang mga aircon na pampublikong sasakyan kaya kahit na tumaas ang kanilang kaso ay naampat ito sa paglipas ng mga araw sa kabila ng kawalan ng bakuna.

Hanggang walang sapat na bakuna ay kailangan ang ibayong pag-iingat at diskarte para malimitahan ang hawaan at ang pansamantalang pagpapatigil sa biyahe ng mga aircon buses ay maaring makatulong ng malaki para makamit ito.
Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.