Abante Tonite Interactive

Awat na sa paglaganap ng pekeng balita

365

Dear Editor;
Labis na po akong nababahala sa mga nasasagap kong balita.

Sa dami ng mga isyu sa bansa, marami tuloy ang nabibiktima ng pekeng balita.

Ang nakakainis pa tila pagkukunsinti naman sa pag­laganap ng mga maling impormasyon ang hirit ng ilan hinggil sa kahalagahan ng pekeng balita. Ito ay upang maging daan umano ito at malaman ang ‘true news.’

Ginagawa pang basehan ang nangyaring kaso sa New York Times v. Sullivan noong 1964 kung saan napagdesisyunan ng US Supreme Court na mas katanggap-tanggap ang kamalian sa pagbabalita kaysa sa paghadlang sa malaya na diskusyon at pamamahayag.

Ibahin naman sana natin ang kaso dito sa ating bansa. Imbes na sakyan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon at pekeng balita ay magkaroon sana tayo ng polisiya dito.

Tingin ko’y kailangan ding isaalang-alang ang media and information literacy bilang solusyon sa problemang ito.

Maraming salamat sa paglathala.

Malou ng Sta. Cruz, Manila