Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Away-lupa dinilig ng dugo, 3 kaanak binaril, pinalakol

0 121

Pinaghahanap ngayon ng Camarines Sur Police ang dalawang magkamag-anak matapos ang madugong pag-aagawan sa lupa ng magkakamag-anak na nauwi sa barilan at paghataw ng palakol na ikinasawi ng tatlo, Sabado ng umaga sa San Fernando, Camarines Sur.

Target ngayon ng pulisya at kapwa kaanak ang suspek sa pagpatay na sina Lauro Rentoria, 70, at Larry Rentoria, 38-anyos.

Nakilala ang nasawing pamilya-Rentoria na sina Alexander, 62; Miral, 54, at Noel, 38.

Ayon kay Police Major Maria Luisa Calubaquib, Bicol regional police spokesperson, naganap ang insidente alas-7:00 Sabado ng umaga nang magtalo-talo na nauwi sa sigawan at murahan ang magkakamag-anak kaugnay sa lupang umano’y pinangako sa kanila.

Uminit pa ang girian na nauwi sa pamamaril at paghahataw ng palakol sa tatlong nasawing biktima. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.