Abante Tonite Interactive

Away nina Beauty, Dimples lumalala

0 461

Ngayong tapos na ang eleksyon, back to regular programming na muli ang diva that you love. Aaliwin muli ang sarili sa “Kadenang Ginto,” my afternoon guilty pleasure.

Sa true lang, umiigting ang bangayan nina Romina at D­aniela na sakdal husay na binibigyang-buhay nina Dimples Romana at Beauty Gonzales.

Sagad hanggang buto ang poot at suklam ni Dimples bilang Daniela kay Gonzales bilang Romina at talagang mapapanganga ka sa kaimpikahan niya. Parang siya na yata ang pinakamatalino at laging one step ahead na kontrabida. Kaya nga ‘pag nagsasampalan, sabunutan at suntukan ang dalawang babae, wagas na wagas, huh!

Ang dalawang prinsensa, sina Marga at Cassie, interesting rin ang story arcs. Of course, played to perfection ni Andrea Brillantes ang kanyang maldita at bratinellang katauhan and despite that, marami pa rin ang gandang-ganda sa hitad.

Marami sa mga babae at baklita ang gumagaya sa kanyang bushy browns, blush on lang ang nasa mukha, awra at laban na.

Si Francine Diaz naman is sugar and spice and all that is nice ang drama bilang Cassie. Iyakin pero palaban na.

Maa-absuwelto na si Romina at dapat maghanda na si D­aniela dahil patutunayan ng katauhan ni Beauty na she can unleash hell and hell to other people.

Sa “The General’s Daughter” naman, kung gusto niyo na matutuhan on what great acting is all about, parang master class in acting ang pinapanood mo mula kina Janice de Belen, Eula Valdes, Maricel Soriano, Albert Martinez, Nonie Buencamino at ang mag-amang kunwari na sina Tirso Cruz III at Angel Locsin.

Grabe ang emotional at physical commitment ni Locsin na bigyang-puso at kaluluwa si Rhian Bonifacio.

Maawa ka sa kanya kasi para siyang pawn ni Cruz na kahit ayaw na niyang gawin ang pinagagawa nito ay parang wala na siyang choice.

Hindi ko na maantay ang moment ni Locsin ‘pag napagtanto na niya ang buong katotohanan! Ay, pasabog na pasabog tiyak ‘yun, huh!
***

Lane Hardy namumuro sa ‘AI’

Ang “American Idol,” kahit pa nga wala na ang mga paborito kong sina Walker Burroughs at Jeremiah Lloyd Harmon, nasa home stretch na ang singing contest.

Ang top three contenders na may homecoming drama ay sina Lane Hardy, Alejandro Aranda at Madison Van DerBurg.

Sa tatlo, sa ganang akin, ang most likely to win ay si Hardy dahil siya na talaga ang all-American package. Good looks, may swag and pop-friendly rocker/country type of voice.

Si Aranda ang puwedeng mag-upset kay Lane kasi nga Latin American ito, simple pero laging heart felt ang kanyang mga song rendition at panalo rin ang kanyang mga ori-ginal composition.

Si ate girl Madison, alam naman na panggulo lang. At siyempre pa, my eyes, loins and budget eh nakasentro na sa “John Wick 3” kung saan bida ang lalaking may pinakamatagal akong relasyon, si Keanu Reeves. Charot! Hahahaha!