Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Away trapiko: Binata binaril ng nagtatrabaho sa munisipyo

0 190

Sugatan ang isang binata matapos barilin ng isang empleyado ng munisipyo dahil lamang sa away trapiko sa Balayan, Batangas Sabado ng hapon.

Inoobserbahan ngayon sa isang ospital sa Batangas City ang biktimang si Kensraey Basco Codizal, 21, dahil sa mga tama ng bala sa kamay at leeg.

Sa report ng Balayan police, kaangkas sa motorsiklo ng suspek ang kanyang girlfriend nang muntik nitong makabanggaan ang motorsiklo ng suspek na si Jayson Mercado, 36, security guard ng Munisipyo ng Balayan, sa crossing ng national highway sa Barangay Caloocan.

Matapos magtalo, umalis na ang biktima at ang girlfriend subalit hinabol pa ito ng suspek.

Nang abutan ay bumunot ng 9mm baril ang suspek at pinutukan ang biktima.

Isinuko naman sa pulisya ng mayor ng Balayan at ng isang abogado ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.