Abante Tonite Interactive

Awayan sa lupa

390

Dear Atty. Claire,

Meron lang po sana akong itatanong tungkol sa Civil Case namin. Bahay at lupa ang pinag-aawayam na magtagal nang ongoing. Almost 30 years na.

Magkalaban ang nanay at uncle ko. Magkapatid sila. Nag-umpisa pa ang kasong Ito noong buhay pa sila pero ngayon wala na sila kaming mga sibling na ang nagpatuloy. It’s now siblings against siblings.

Abante Hiring – IT dep

Nag-file nang ejection ang nanay namin dahil ang kapatid niya ay pumasok sa bahay namin kasi ang buong pamilya na walang pahintulot. Sa awa nang diyos, panalo kami from the MTC all the way to the SC. May finality na ang SC pero ayaw nilang umalis dahil kanila daw ‘yung lupa. Naghain sila ng annulment of title dahil fraud daw ‘yung titulo ng mother ko. Ang lupa ay pamana ng lola namin sa nanay ko. Buhay pa ang lola namin noong nagpatayo ang nanay ko ng bahay at nadoon silang lahat pero wala man lang kahit isa ang nag-oppose.

Nadoon din ‘yung mga kapatid nila noong buhay pa sila. Panalo din po kami sa annulment of title from the RTC all the way to the SC. They filed an appeal followed by a Motion for Reconsideration pero talo pa rin sila. The last information from our Lawyer is that they filed another MR.

Puwede ba ‘yung ganoon?may finality na ang SC, can they still file another MR? ‘Yung last decision ng SC: No more appeal, or letter, or any kind shall be entertained on this Case.

Maraming salamat po.
Bill

Bill,

Nagtataka lamang ako na hindi pa sila napapaalis samantalang nanalo na kayo sa kasong ejectment na may finality na mula sa SC. Sa isang kaso ng ejectment ay maaari nang mapaalis ang mga taong kinasuhan kapag may desisyon na sa RTC matapos na madesisyunan ang kanilang apila mula sa desisyon ng MTC. Ayon sa ating Rules on Summary Procedure.

Sec. 21. Appeal. – The judgment or final order shall be appea­lable to the appro­priate RTC which shall decide the same in accordance with Section 22 of Batas Pambansa Blg. 129. The decision of the RTC in civil cases governed by this Rule, including forcible entry and unlawful detainer, shall be immediately executory,without prejudice to a further appeal that may be taken therefrom. Sec. 10 of Rule 70 shall be deemed repealed.

Maaari na kayon­g mag-file ng Motion for Execution at issuanc­e ng Writ of Execution sa decision sa kasong ejectment upang mapaalis sila kahit na nagsampa pa sila ng Petition for Annulment of Title.

Tungkol naman sa kasong Annulment of Title kung saan nanalo kayo ulit hanggang sa SC, kahit na nag-file na sila ng MR ngunit nag-file muli ng MR sa pangalawang pagkakataon ay maaaring hindi na ito payagan ng SC ngunit ito ay depende pa rin kung ano ang nilalaman ng Se­cond MR.